Daig pa ng gobyerno ang mga holdaper.

Ito ang opinyon ng National Union of Students of the Philippines (NUSP), dahil sa hindi mapigilan ng gobyerno, partikular ng Commission on Higher Education (ChEd), ang paglaki ng mga bayarin, partikular ang matrikula.

Ayon sa NUSP, tinatayang aabot sa P80,000 ang gagastusin para sa matrikula at iba pang mga bayarin sa eskuwela taun-taon.

Nabanggit ng grupo ang nagbabadyang taas-singil sa matrikula ngayong pasukan dahil aabot sa 400 higher education institution (HEI) ang nagbabalak magtaas ng matrikula.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Dahil dito, hiniling ng grupo na “magtakda ng moratorium upang maampat ang pagdurugo ng aming bulsa na likha ng deregulasyon.”

“Tuition deregulation has produced a dramatic climb in tuition and other school fees and in yearly college dropouts. Attaining a college degree is like a nightmare dressed like a daydream,” pahayag ni Sarah Elago, pangulo ng NUSP.