INDIANAPOLIS (AP)- Kinuha ni George Hill ang center stage habang ang mga naglalakihang bituin ay nagpapahinga.

Tumapos si Hill na mayroong 15 puntos, 10 rebounds at 12 assists, kung saan ay napasakamay niya ang unang triple-double sa kanyang karera na may tatlong free throws sa huling 30 segundo upang iselyo ng Indiana Pacers ang 93-86 victory kontra sa Cleveland Cavaliers kahapon.

Wala sa hanay si LeBron James dahil sa sore back, nagbalik si Kyrie Irving sa Cleveland sanhi ng injured left shoulder at Paul George na nakaupos sa bench na may broken right leg, ipinagkaloob ni Hill ang kanyang pinaka-memorableng performances.

‘’The best part is it’s an answer to some of the critics he had at the end of last season,’’ pahayag ni Pacers coach Frank Vogel. ‘’He can play off the basketball and now, this year, you’re seeing what he can do with the ball in his hands.’’

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Ang pagkawala ni Irving ay inaasahan na. Nakatala siya bilang kaduda-dudang manlalaro matapos na mapinsala ang kanyang kaliwang balikat noong Biyernes.

Sorpresa naman ang ‘di paglalaro ni James.

Isa’t kalahating minuto bago ang tip-off, sinabi ni coach David Blatt sa reporters na pinayagan niya ang four-time MVP na magpahinga sanhi ng sore back.

‘’As you saw, he experienced some soreness last night during the game,’’ pahayag ni Blatt, na nagsabing naniniwala siya na makababalik ang kanyang dalawang pangunahing manlalaro sa laro nila bukas. ‘’I decided to rest him.’’

Kinuha ni Hill at kanyang teammates ang bentahe at oportunidad.

Napagwagian na ng Indiana ang pito sa siyam, ang stretch na kinabilangan ng dalawang panalo sa Cleveland at ang panalo sa Western Conference-leading Golden State, upang mapatatag ang kanilang pag-asa para sa playoff berth.

Umiskor si Rodney Stuckey ng 19 puntos. Hinadlangan ng Pacers ang palagiang high-scoring Cavaliers sa 35.9 porsiyento mula sa field at 31.0 percent mula sa 3-point range kung saan ay inalpasan ni Vogel ang pinakamaraming pagwawagi ni Larry Brown sa prangkisa sa kasaysayan ng NBA. Taglay sa ngayon ni Vogel ang 191 wins sa Indiana.

‘’Toward the last timeout, my teammates told me ‘one more rebound’ and it was like ‘for what?’ He said a triple-double,’’ pahayag ni Hill. ‘’They said they were going to box out, and let me go get the rebound so I said ‘Thank y’all.’’’

Itinarak ni J.R. Smith ang 21 points, nagtala si Kevin Love ng 17 points at 10 rebounds habang inasinta ni Matthew Dellavedova ang 14 puntos, 10 rebounds at 5 assists para sa Cavs.

‘’A game like tonight, missing Kyrie and missing LeBron, we needed to make open shots over the top because we didn’t have the normal kind of penetration,’’ ayon kay Blatt. ‘’We needed to make some of those shots from a distance and we didn’t.’’

Matapos mapag-iwanan sa unang 7 puntos at sumadsad sa 21-8 sa nalalabing 7 minuto sa laro, dito na nakipagsabayan ang Indiana kung saan ay napasakamay nila ang 51-45 halftime lead. Pinalawig pa ng Pacers ang kalamangan sa 74-59, may 2:28 pa sa orasan sa third, at pagkatapos ay hinayaan ang Cleveland na makalapit sa 76-70 sa kalagitnaan ng fourth.

Sinagot naman ng Indiana ang paghahabol ng Cavs tungo sa 9-0 run. Muling humabol ang Cavs kung saan ay tinipa nila ang 11 sunod na puntos papalapit sa 85-81, may 1:35 pa sa laro, subalit humirit si Stuckey ng 3-pointer at naisakatuparan ni Hill ang free throws.

‘’I’ll take it because the most important thing is we won the game,’’ pagmamalaki ni Hill.