Tapos na ang bakbakan sa Mamasapano, Maguindanao na pinagbuwisan ng buhay ng 44 PNP Special Action Force (SAF) sa kamay ng MILF at BIFF. Sa ngayon, ang bakbakang Floyd Mayweather at Manny Pacquiao naman ang inaantabayanan ng sambayanang Pilipino na sawa na sa mga balita ng katiwalian, PDAF at DAP, kasinungalingan ng mga pulitiko, kapalpakan ng administrasyong PNoy, at pagkakaila o pagtatakip ng mga opisyal ng gobyerno, militar at pulisya para iligtas ang Pangulo sa sumablay na operasyon ng PNP-SAF para mahuli o mapatay si Malaysian bomb-expert na si Zulkifli bin Hir, alyas Marwan.

Kaagad nag-text sa akin si sports columnist Recah Trinidad noon pang nakaraang Sabado at ibinalitang tuloy na ang sagupaang Pacquiao-Mayweather sa Mayo 2 na noong una ay di niya pinaniniwalaang matutuloy dahil lubhang mailap si Floyd at talagang iniiwasan si Manny na posibleng tumalo sa kanya at mabura ang record niyang 47-0. Kinabukasan, Linggo, namumulagat sa tatlong pangunahing English broadsheet ang labanang Floyd-Manny. Tinawag ko noon si Floyd bilang Foiled Mayweather dahil sa karuwagang sagupain si Pacman samantalang ang bansag sa kanya ni Recah ay Flawed Mayweather.

Pinag-iisipan ng PDP-Laban na ang ikandidato nila sa 2016 elections ay si Davao City Mayor Rudy Duterte, ang fightingest mayor sa buong Pilipinas. Ang partido ay ipinundar ni ex-Sen. Nene Pimentel kasama ang noon ay Makati Mayor Jojo Binay. Ngayon, ang PDP-Laban ay pinamumunuan ni Sen. Koko Pimentel. Takot ang mga kriminal sa kanya.

Sa Davao City lang yata walang illegal drugs dahil pinapayuhan ni Duterte ang mga drug lord, trafficker, user, pusher na magsialis sa lungsod. Kung hindi sila lalayas, nagbanta ang matapang at machong alkalde na baka sila pulutin sa sementeryo. Sa Davao City lang din yata walang mga paputok, rebentador at iba pa sa selebrasyon ng New Year. Ipinagbabawal ito sa lungsod. Bilib sa kanya ang kaibigan kong si Mon Tulfo.
National

Ilocos Norte, niyanig ng magnitude 4.0 na lindol