Pebrero 27, 1964 nang simulang himukin ng Italian government ang mamamayan nito na magtulung-tulong upang maiwasan ang pagguho ng 185-talampakan na Leaning Tower of Pisa. Nang panahong iyon, unti-unti nang humahapay ang kilalang tore, at nakabitin nang 17 talampakan mula sa kinatitirikan nito. Ayon sa mga dalubhasa, posibleng gumuho ang nasabing tore kapag lumindol o bumagyo.
Hindi nagtagal, natukoy na ang pundasyon ng tore ay binubuo ng tubig at buhangin at ito ang sinisi sa paghapay ng tore.
Ang paikot na tore, na sinimulang itayo noong Agosto 9, 1173 at nakumpleto noong 1370, ay dinisenyo para sa Piazza dei Miracoli bells. Gawa sa puting marmol, ang tore ay may walong palapag, na may 15 arkong marmol sa unang palapag.
Taong 1999 nang simulan ang restoration sa lugar, katulad ng soil extraction. Disyembre 2001 nang muling buksan sa publiko ang tore.