BATAC CITY, Ilocos Norte – Napakupkop sa tanggapan ng the Bureau of Jail Management and Penelogy (BJMP) sa Batac City ang isang bise alkalde upang makatakas sa riding-in tandem na nagtangkang pumatay sa kanya habang nagbibiyahe siya sa national highway sa Barangay Lang-ayan sa Currimao noong Miyerkules ng hapon.

Sinabi ni Pinili Vice Mayor Rommel Labasan na nagbibiyahe siya patungong Batac City nang mapansin niya ang dalawang tao na magkaangkas sa motorsiklo na gusto umanong barilin siya.

Pinasibad ng bise alkalde ang kanyang sasakyan at dumiretso sa tanggapan ng BJMP.

Kinumpirma naman ni Pinili Police chief, Senior Insp. Artemio Clemente na nangyari ang tangkang pananambang kay Labasan dakong 2:00 ng hapon nitong Miyerkules.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Sa isinagawang dragnet operation ay naaresto sa highway ng Batac ang isa sa mga suspek na si Willie Sihaldo, na itinanggi ang insidente. - Freddie G. Lazaro