GUATEMALA CITY (AP) — Bumiyahe na kahapon pauwi sa tahanan si dating Guatemalan President Alfonso Portillo matapos makumpleto ang anim na taong sentensiya sa kanya sa pagtanggap ng $2.5 million suhol mula sa Taiwan.

Inalalayan at sinamahan ng Guatemalan consul sa Denver, kinuha ni Portillo ang biyahe patungong Houston at sa Guatemala City matapos lumabas sa Federal Correctional Institution sa Englewood, Colorado.

Mainit na sinalubong sa paliparan ng daan-daang tagasuporta si Portillo, na naghayag ng planong tumulong sa Guatemala.

“I am willing to give what little I have in this country that needs to change,” pahayag ni Portillo sa news conference.

National

DOH, nakapagtala ng 17 firework-related injuries sa loob lamang ng 24 oras