Kailangang gumamit ng ibang paraan ng transportasyon ang mga pasahero ng Metro Rail Transit (MRT) 3 tuwing weekend, simula bukas, Pebrero 28.

Ito ay kaugnay ng pagpapatupad ng MRT 3 ng bagong weekend operating schedule para bigyang-daan ang matagal nang nabimbin na pagpapalit sa mga riles.

Ayon sa Department of Transportation and Communications (DoTC), maagang isasara sa mga pasahero ang MRT 3 tuwing Sabado; hanggang 9:00 ng gabi na lang bibiyahe ang mga tren sa halip na 11:00 ng gabi, at late nang magbubukas tuwing Linggo—12:00 ng tanghali ang unang biyahe sa halip na 4:30 ng umaga.

Dahil hindi pa nade-deliver ang mga bagong biling riles, sinabi ni MRT 3 General Manager Roman Buenafe na uunahin nilang palitan ang mga kritikal na bahagi ng riles gamit ang stabling rails.

National

Agusan del Sur, nilindol ng magnitude 5.3

“We will use 150 meters’ worth of stabling rails from the depot to replace the more critical portions of the mainline between Taft Avenue and Magallanes,” sabi ni Buenafe.

Hindi naman malinaw kung hanggang kailan isasagawa ang pagpapalit ng riles dahil tatayain pa ng DoTC at MRT 3 ang time-and-motion sa aktuwal na rail replacement upang matukoy kung hanggang kailan maipatutupad ang bagong weekend schedule sa biyahe ng MRT. (Kris Bayos)