Barbie-at-Thea-4-copy

NGAYONG Sabado, Pebrero 28, higit sa magaganda at fresh na mga bulaklak ang makikita sa Baguio dahil bibisita rin ang ilang sought-after Kapuso celebs para sa Panagbenga Festival 2015.

Makikisaya sa selebrasyon ang lead cast ng afternoon prime soaps na Kailan Ba Tama Ang Mali? at The Half Sisters sa pamamagitan ng isang kapana-panabik na Kapuso Night na gaganapin sa Rambakan Drive ng SM City Baguio simula 5:00 PM.

Matapos makipista sa Sinulog sa Kabankalan, Dinagyang, at Bacolaodiat festivals, makikipagdiwang naman sa Panagbenga sina Max Collins, Dion Ignacio, Empress Schuck, at Geoff Eigenmann na magsisilbi nang ikaapat na leg ng promo tour ng Kailan Ba Tama Ang Mali? ngayong taon.

National

4.7-magnitude na lindol, yumanig sa Surigao del Norte

Magtatanghal din sa Kapuso Night sina Barbie Forteza, Andre Paras, at Thea Tolentino mula sa The Half Sisters. Tiyak na paiinitin ng teen stars ang malamig na panahon sa Summer Capital ng Pilipinas sa kanilang inihandang production number. 

Samantala, may live coverage ang GMA Regional News at Public Affairs para sa street-dancing parade na ipalalabas sa GMA Dagupan station. Sa ganap na 7:00 AM, ihahandog ng GMA sa mga manonood ang Primera sa Panagbenga 2015 na agad susundan ng Kapuso sa Panagbenga ‘15 pagsapit ng alas-8:00 ng umaga.

“There is definitely more in Baguio City for Filipinos and foreign tourists to see and experience. For many years now, the Kapuso Network has stood witness to the grand celebration of the Panagbenga Festival. There is no other festival in the Philippines that highlights the beauty and splendor of nature’s blooms. With the full support of our partners, this year’s festivities will be an enjoyable one,” pahayag ni Oliver Victor B. Amoroso, head ng regional strategy and business development division ng GMA Regional TV. 

Mapapanood ang highlights ng Panagbenga Festival sa Let’s Fiesta TV Special na ipalalabas sa Marso 15 sa GMA regional stations sa Bicol, Cebu, Davao, Iloilo, Dagupan, Ilocos, GenSan, Bacolod, at CdeO.

Para sa latest updates tungkol sa GMA regional events, i-follow lang ang GMA Regional TV sa Twitter via www.twitter.com/GMARegionalTV at sa Instagram viawww.instagram.com/GMARegionalTV.