WARRIORS-PIX

WASHINGTON (AP)– Nagbalik si Stephen Curry mula sa kanyang one-game absence upang pangunahan ang lahat ng scorers sa kanyang naitalang 32 puntos, habang nagdagdag si Klay Thompson ng 17 patungo sa 114-107 pagtalo ng Golden State Warriors sa Washington Wizards kahapon.

Hindi nakapaglaro si Curry sa pagkatalo ng koponan sa Indiana noong Linggo dahil sa sore right foot at naglaro ng halos 34 minuto, naipasok ang 11 sa kanyang 18 field goal attempts, kabilang ang five-of-nine mula sa 3-point range.

Nagdagdag si Marreese Speights ng 16 puntos mula sa bench ng Warriors na nagwagi ng lima sa kanilang huling laro.

Politics

Dalawang Tulfo brothers, nanguna sa survey ng senatorial race

Nanguna si Paul Pierce para sa Wizards sa kanyang 25 puntos, 18 mula sa second half. Nag-ambag si Marcin Gortat ng 16 puntos at 11 rebounds, habang si John Wall ay nagtapos na may 16 puntos at 11 assists.

Ang Washington ay nalaglag sa apat na sunod sa kanilang huling 11 laban.

Ang Wizards ay nakagawa ng 53.2 porsiyento sa shooting (42-for-79), at nalamangan ang Golden State sa rebounding, 45-29, ngunit nagkamit ng season-high na 26 turnovers.

Naipasok ni Rasual Butler ng Washington ang isang 3-pointer upang itabla ang iskor sa 90, may 8:32 natitira pa sa orasan, ngunit sinagot ito ng Warriors mula sa isang 6-0 spurt, kabilang ang jumper ni Andre Iguodala.

Nakadikit ang Washington sa tatlo ng dalawang beses sa final minutes, kabilang ang isang basket ni Nene na itinala ang iskor sa 102-99, ngunit sinagot ito ni Iguodala ng isang 3-pointer.

Si Pierce, umiskor ng 14 puntos sa paghahabol ng Wizards sa third quarter, ay kinailangang akayin palabas ng court matapos ang masamang pagbagsak nito sa sahig sa mga huling segundo ng laro.

Itinala ni Curry ang huling 9 puntos ng Golden State sa third quarter, sa kanyang pagkonekta sa isang pares ng free throws, isang 3-pointer, jumper, at isang baseline floater.

Resulta ng ibang laro:

Cleveland 102, Detroit 93

Oklahoma City 105,

Indiana 92

Dallas 99, Toronto 92