Binalot ng takot ang Supreme Court (SC) kahapon makaraang isang abandonadong kahon, na inakalang bomba, ang natagpuan at nagbunsod upang isara ng awtoridad sa motorista ang Padre Faura.

Ayon sa mga security personnel sa gate ng SC, agad silang tumawag sa Manila Police District (MPD) dakong 9:10 ng umaga kahapon matapos nilang mapansin ang isang kahina-hinalang kahon na iniwan sa main gate ng Korte Suprema.

Habang hinihintay ang mga taga-MPD Explosives and Ordnance Division ay pinayuhan din nila ang mga dumadaan na umiba ng ruta.

Pero natuklasang mga sira-sirang tiles lang ang laman ng kahon.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Binuksan na ng pulisya ang Padre Faura mag-aalas diyes ng umaga.