AFP– Nahaharap man ang Philippine boxing hero na si Manny Pacquiao sa pinakamalaking laban sa kanyang career laban sa wala pang talong karibal na si Floyd Mayweather, sinabi niya kamakalawa na hindi siya masyadong nagpapadala rito.

"This is just like any other fight I had before," sabi niya sa mga mamamahayag habang nasa kanyang regular na pagsasanay sa kanyang bayan sa General Santos sa katimugan ng Pilipinas.

"I've been in this kind of situation many times in my previous fights. It doesn't scare me. I love being the underdog," ani Pacquiao, sa gitna ng mga ulat na ibinigay ng oddsmakers sa Las Vegas, ang pagdarausan ng kanilang laban sa Mayo 2, ang bentahe sa kanyang kalaban.

"It even motivates me to train hard and go for the crown," ayon pa sa 36-anyos na boxer.

National

Agusan del Sur, nilindol ng magnitude 5.3

Mukhang relaxed ang boxing champ at pupunta pa ito sa isa pa niyang trabaho, ang pagiging playing-coach ng Kia Carnival.

"I will play on Wednesday," lahad ni Pacquiao sa ABS-CBN television.

Ilang taon nang naghihintay ang boxing fans para sa laban sa pagitan ng dalawang boksingero, ang mga kinukonsiderang pinakamagaling na “pound-for-pound” na mga boksingero sa kanilang henerasyon.

Makaraan ang ilang taong pagbabangayan at negosasyon, inanunsiyo nila noong Sabado na maghaharap sila sa isang laban na magpapaisa sa world welterweight crowns.

Nag-umpisa na si Pacquiao sa kanyang light training para sa laban ilang linggo na ang nakararaan at nakitang tumatakbo na ng ilang laps at sumusuntok sa bag bilang paghahanda kay Mayweather.

Kasunod ng mga ulat mula sa kampo ni Mayweather na pinupuna umano ang kanyang istilo sa paglaban, sinabi ni Pacquiao na malalaman ng American ang pagkakaiba ng panonood sa kanya sa screen at pagharap sa kanya sa ring.

Ang 38-anyos na si Mayweather ay hindi pa natatalo sa loob ng 47 laban. Si Pacquiao ay mayroong 57 panalo at 5 talo, kabilang ang dalawang naranasan noong 2012.

Kinumpira ng American promoter ni Pacquiao na si Bob arum na ang dalawang fighters ay hindi nagbigay ng anumang probisyon para sa rematch.

"That wasn't even discussed," aniya.