Mga laro ngayon: (Mall of Asia Arena)

10 a.m. – UST vs NU (men)

2 p.m. – ADMU vs AdU (men)

4 p.m. – UST vs FEU (women)

National

FL Liza Araneta-Marcos, nanguna sa pagbubukas ng ilang atraksyon sa Intramuros

Makamit ang ikatlo at huling slot para sa stepladder semifinals ang nakatakdang pag-agawan ngayon ng University of Santo Tomas (UST) at Far Eastern University (FEU) sa kanilang knockout match sa UAAP Season 77 women’s volleyball tournament sa MOA Arena sa Pasay City.

Kapwa nagtapos na may 6-8 (panalo-talo) baraha sa pagtatapos ng double round eliminations, mag-uunahan sa pagbiyahe sina coach Odjie Mamon at dating UST coach Shaq delos Santos na makamit ang karapatang makasagupa ang third seed na National University (NU) sa unang laro ng stepladder semis.

Ang stepladder ay itinakda sa semifinals ng women’s division dahil awtomatikong pumasok ang defending champion Ateneo de Manila matapos walisin ang double round eliminations.

Ang mananalo sa UST-FEU game ang sasagupa sa NU sa isang knockout game kung saan ang magwawagi ay hahamunin ang second seed at may twice-to-beat advantage na La Salle Lady Spikers para sa karapatang makaduwelo ang Lady Eagles sa finals.

Una rito, magsisimula na ang Final Four round sa men’s division kung saan ay kapwa target ng top two seeds team na Ateneo at UST ang ganap na pag- usad sa finals.

Kapwa may bentaheng twice-to-beat, isang panalo lamang ang kanilang kailangan kontra sa kanilang mga makakatunggali. Ang Blue Eagles laban sa Adamson Falcons sa ikalawang laban sa ganap na alas-2:00 ng hapon at ang Tigers kontra sa defending champion NU Bulldogs sa unang laro sa ganap na alas-10:00 ng umaga.