ATLANTA (AP) — Habang lumalaban si Bobbi Kristina Brown para mabuhay, lumulubha naman ang away sa ng kanyang ama at asawa na nagsimula sa pagtatalo sa pagbisita sa kanya sa ospital.

Kasalukuyang naka-confine sa Emory University Hospital sa Atlanta ang nag-iisang anak ng yumaong singer na si Whitney Houston. Matatandaan na natagpuan si Bobbi Kristina na walang malay noong Enero 31 sa kanyang bath tub sa kanilang tahanan sa Georgia.

Ayon sa abogado ni Bobby Brown, ama ni Bobbi Kristina, maaaring bumisita ang asawa nito na si Nick Gordon kung papayag ang ama at gagawin ang isang kondisyon.

Ngunit ayon sa abogado ni Gordon noong Linggo, hindi pumapayag si Bobby Brown na bisitahin niya ang anak nito sa ospital.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Paulit-ulit umanong nakipagkasundo si Gordon na pag-usapan ito nang maayos.

“Those offers have also been rejected,” ayon sa mga abogado ni Gordon na sina Randy Kessler at Joe Habachy sa isang statement. “We hope Mr. Brown has a change of heart.”

Dinala ni Houston si Gordon sa kanyang tahanan sa edad na 12, pinalaki niya ito at inaruga matapos makipagdiborsiyo kay Bobby Brown noong 2007.

Si Bobbi Kristina ang tagapamana ng mga ari-arian ng kanyang ina nang pumanaw ito noong 2012, makalipas ang ilang buwan ay inamin niya at ni Gordon sa publiko na magkasintahan sila.

Ngunit ayon kay Bobby Brown, hindi kailanman ikinasal ang kanyang anak kay Gordon.

Noong Huwebes, pinalitan ng mga doktor ang breathing tube ni Bobbi Kristina ng tracheostomy tube, ayon sa isang taong malapit sa pamilya. Karaniwang ginagamit ang tracheostomy sa mga pasyente na kinakailangan manatili sa ventilator. - Yahoo News/Celebrity