TULUY-TULOY NA ASENSO ● Kaunlarang walang patlang sa Bicol Region at iba pang bahagi ng Luzon ang kaakibat ng P104 bilyong South Railway project na inaprubahan na kamakailan ng National Economic Development Authority (NEDA).

Ang masipag at matalinong si Albay Gov. Joey Salcedo ang nagsusulong ng naturang proyekto, bilang chairman ng Regional Development Council (RDC) at ng the Luzon Area Development Coordinating Council (LADCC). Ang 653-kilometrong South Railway na mula Manila hanggang Legazpi City sa Albay ay bahagi ng P117.3 bilyong North-South Commuter Railway project at P170 bilyong North-South Railway Project na nasa ilalim ng Public-Private Partnership (PPP) scheme. Matapos ang mahabang pakikipag-ugnayan ni Salceda sa PPP Center, Department of Transportation and Communication (DOTC), NEDA at Philippine National Railways, nabigyan din ng prioridad ang proyekto.

***

MAS MASIGLANG TURISMO ● Ayon kay Salceda, napakahalaga ng South Railway project sa Kabikulan dahil mapapasigla nito ang rural tourism, mapalalakas ang kakayahang makipagtagisan ng galing ang Bicol labor, at magkakaroon ng multi-modal transport means upang lalong lumawak ang distribusyon ng mga produkto ng Bicol sa buong Luzon at iba pang rehiyon. Layunin din ng North-South Luzon Railways plan na buhayin uli ang dating Manila-Albay rail route na ang balangkas ay ipinanukala ng Bicol RDC na pinamumunuan ni Salceda na isang economist. Katuwang sa pagsusulong nito ang LADCC na si Salceda rin ang chairman. Saklaw ng LADCC ang 38 lalawigan at 771 lungsod at bayan sa Luzon.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

***

NABUBUKOD-TANGI ● Kinatigan naman nina DOTC Sec. Abaya, Planning Sec. Balisacan at PMS Sec. Almendras sa kanilang mga pagpupulong ang panukala ni Salceda na sadyang kailangan ang railway program sa pambansang pangkaunlarang agenda ng bansa. Kay Salceda ibinibigay ang kredito sa pag-unlad ng buong Bicol Region na sa kabila ng malimit itong bayuhin ng mga bagyo at kalamidad, ay lumago ang ekonomiya ng 9.4% noong 2013, higit na mataas pa sa 9.1% ng Metro Manila.