Jasmine-at-Sam-copy1-374x500

“AYAW lang sigurong pag-usapan para walang isyu,” bungad sa amin ng taong malapit kay Jasmine Curtis Smith nang muli naming kulitin kung ano ba talaga ang estado ng relasyon nila ni Sam Concepcion.

Nang isulat namin na hindi pa hiwalay sina Sam at Jasmine ay inamin ng aming kausap na, “Totoong sila pa, inaayos nila talaga at ayaw nilang magsalita, di ba, kasi inaayos, pero since hindi na talaga, naghiwalay na, pero okay naman sila,” diing katwiran sa amin.

Sa sinulat naming magkasama noong Araw ng mga Puso sina Sam at Jasmine ay, “Sinabi na lang na magkasama kasi ayaw nila magsalita, pero ang totoo hindi talaga.”

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Dagdag pa, “Actually, haka-haka lang naman lahat ‘yan dati kaya walang nagsalita, naging isyu lang naman ‘yan noong Feb. 14, pero kung walang na-post na picture, hindi naman ‘yan lalaki.”

Nasa Amanpulo, Palawan ngayon si Jasmine kasama ang Ate Anne Curtis niya na nag-celebrate ng kaarawan.

“Tinanong kasi ni Jasmine si Anne kung ano ang gusto nitong birthday gift, eh, sabi ni Anne, ‘come with me in Amanpulo’, so binayaran ni Jasmine ang plane ticket niya, kaya nandoon sila ngayon ‘til Wednesday (bukas),” kuwento sa amin.

Sa madaling salita hindi umuwi ng Australia si Jasmine na siyang unang plano dahil nga advance taping naman sila ng Move It Clash With The Streetdancers.

“Hindi, Amanpulo lang, marami siyang commitments dito (sa Pilipinas),” sabi ng source.

Inamin ng aming kausap na noong Oktubre, Nobyembre at Disyembre 2014 ang pinaka-grieving period ni Jasmine dahil sa pagkakalabuan nila ni Sam.

“Malala na ang problema that time, naghiwalay, pero trying pa rin talaga to fix things up.

“Good thing, busy si Jasmine ng mga panahong ‘yun kasi may shooting siya ng Mara (Regal Films) ‘tapos nasa Australia naman siya ng December kaya hindi napansin ng lahat.

“Actually in pain pa rin naman si Jasmine ngayon, hindi lang nahahalata,” kuwento sa amin ng taong malapit sa dalaga.

Sa taping kasi ng programa ng dalaga sa TV5 ay masaya siya at walang makikitang nasasaktan siya sa hiwalayan nila ni Sam.

 “Oo nga, hindi halata,” sang-ayon sa amin.