Hindi nagtakda ng deadline si Defense Secretary Voltaire Gazmin sa militar sa operasyon nito laban sa Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) sa Mindanao.

Sinabi ni Gazmin na hindi nagtakda ng deadline sa operasyon ng Armed Forces of the Philippines (AFP) laban sa BIFF, sa gitna ng pangamba ng kagawaran na madamay ang mga sibilyan sa patuloy na labanan ng BIFF at Moro Islamic Liberation Front (MILF) sa Maguindanao at Cotabato.

Ayon kay Gazmin, nakahanda ang AFP na magbigay ng operational support sa MILF para mapulbos ang BIFF.
National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20