May panibagong oil price hike na ipatutupad ang mga kumpanya ng langis sa bansa ngayong linggo.

Sa taya, posibleng tumaas ng 75 hanggang 95 sentimos ang presyo ng kada litro ng gasolina at kerosene, habang 70 hanggang 80 sentimos naman sa diesel.

Ang inaasahang dagdag-presyo sa petrolyo ay bunsod ng pagtaas ng presyuhan ng langis sa pandaigdigang merkado.

Sakaling ipatupad, ito na ang ikatlong sunod na oil price hike ngayong Pebrero.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Noong Pebrero 17, nagtaas ang mga kumpanya ng P1.50 sa presyo ng kada litro ng diesel at P1.15 sa gasolina at kerosene.