Ang 40th International Bamboo Organ Festival ay idinaraos sa St. Joseph Parish Church sa Las Piñas City sa Pebrero 19-27, 2015. Ang kakaibang bamboo organ ay nag-iisang uri lamang sa daigdig at pinakamatanda at gumagana pang 19th Century Treasure ng National Museum of the Philippines noong Nobyembre 24, 2003, at isang National Historical Landmark ng National Historical Commission of the Philippines noong July 15, 2013.

Isang siyam na gabing serye ng mga konsiyerto ang itinatanghal, nagtatampok ng mga lokal na musikero at mga international artist na tumutugtog ng classical church music sa bamboo organ, kabilang ang “Gloria” at “Agnus Dei” mula sa B minor Mass, isa sa pinakadakilang obra ni Johann Sebastian Bach. Magkakaroon ng isang “Concert Under the Trees” ang Philippine Philharmonic Orchestra sa ilalim ni Olivier Ochanine, na itatanghal sa bakuran ng simbahan; dalawang recital ng kilalang Swiss organist Guy Bovet; at isang paraliturgy na pinamagatang “Exodus” na may musikang gumugunita sa Kuwaresma, Pasko ng Pagkabuhay, at Pentecostes na komposisyon ni Fr. Nic Sengson, at sa ilalim ni conductor Eudenice Palaruan. Ang special guest ay ang Belgian trumpeter na si Simon Van Hoecke, na tutugtog ng Concerto for Three Trumpets. Tutugtog naman ang organista na si Prof. Armando V. Salazar at ang Last Piñas Boys Choir naman ang magpapahanga sa mga panauhin.

Ang festival ay inisyatiba ng St. Joseph Parish, ang permanenteng tahanan ng bamboo organ, sa pakikipagtulungan ng Bamboo Organ Foundation, Inc., na may suporta ng mga pribadong indibiduwal, ng national at local agencies, local corporations, at volunteer-parishioners. Ang mga pangunahing sponsor ay ang Manila Hotel, ang European Community, ang Las Piñas City government, ang National Commission for Culture and the Arts, ang Department of Tourism, ang Cultural Center of the Philippines, at ang St. James the Greater Parish.

Ang tanyag na bamboo organ ay gawang-kamay gamit ang mga pipa na gawa sa kawayan na sinimulan noong 1816 at nakumpleto noong 1824 ni Fr. Diego Cera Dela Virgen Del Carmen, isang Augustinian Recollect na unang kura paroko ng Las Piñas. Ang kabuuang bilang ng mga pipa ay 1,031, kung saan 902 rito ay gawa sa kawayan at ang natira ay metal. Nasira ang organ case sa bagyo noong 1880s, kaya puwersado itong nanahimik sa loob ng mahabang panahon. Kinumpuni ito ni Fr. Cera ngunit hindi niya maibalik ang maluwalhating musika. Muli itong natuklasan noong 1917 sa isang lumang sacristy.

Pag-akto ni VP Sara bilang 'legal counsel' ni Lopez, 'unconstitutional'-Rep.Chua

Noong 1973, dinala ito sa Johannes Klais Orgelbau factory sa Bonn, Germany, para sa malawakang restorasyon, at noong 1975 ibinalik sa bansa, at mula noon nagdaos na ng taunang festival ang foundation.