BEIJING (AP) - Suspek ang isang nursing home worker sa central China sa pagpatay sa tatlong matandang kliyente at 15 ang sugatan matapos niyang makipagtalo sa kanyang amo tungkol sa hindi kumpletong suweldo, ayon sa gobyerno at state media.
Inatake ni Luo Renchu, 64, ang matatandang inaalagaan sa establisimyento at mga kawani nito sa probinsya ng Hunan noong Huwebes, dakong 2:00 ng umaga, unang araw ng Chinese New Year, ayon sa Shuangfeng county government.
Nagtangkang tumakas si Luo ngunit nadakip siya ng mga pulis sa isang bundok noong Sabado ng hapon.
Base sa ulat ng Xinhua News Agency, nangyari ang pag-atake matapos makipagtalo si Luo sa may-ari ng nursing home na si Fang Hongchun dahil sa hindi umano’y hindi pagpapasuweldo sa kanya ng aabot sa 40,000 yuan ($6,500).