Magsasagawa ng ocular inspection ang joint fact-finding panel na itinatag ng Department of Justice (DoJ) sa Mamasapano, Maguindanao para suriin ang mismong lugar ng labanan ng Philippine National Police-Special Action Force (PNP-SAF) at mga rebeldeng Moro na ikinamatay ng 44 na police commando noong Enero 25, 2015.

Sinabi noong Biyernes ni Justice Secretary Leila de Lima na binigyan na ng pinag-isang Coordinating Committee on the Cessation of Hostilities (CCH) ng clearance ang fact-finding team para magsagawa ng ocular inspection sa lugar, na kapwa kontrolado ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) at Bangsamoro Islamic Freedom Fighter (BIFF).

Sa isang ambush interview, sinabi ni De Lima na inaasahang sa Huwebes, Pebrero 26, mag-iinspeksiyon sa lugar ang fact-finding panel, na binubuo ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation (NBI).
National

DOH, nakapagtala ng 17 firework-related injuries sa loob lamang ng 24 oras