Ang sugal na cara y cruz at sakla sa mga lamayan ay karaniwang pinagkukunan ng mga namatayan ng gastusin sa pagpapalibing sa namayapang mahal sa buhay, pero ngayon ay hindi na maaaring umasa rito ang mga taga-Valenzuela City, dahil ipinagbabawal na ng siyudad ang pagsusugal sa mga lamayan.

Sa utos ni Mayor Rex Gatchalian, maaari nang hulihin at ikulong ang mga nagsasakla o nagka-cara y cruz sa mga lamayan.

Kapalit nito, magkakaloob ang pamahalaang lungsod ng P7,000 ayudang pinansiyal sa bawat namatayan, mula sa dating P3,000 na ibinibigay.

Tutol naman dito ang ilang mahihirap sa lungsod, iginiit na napupunan ng sakla at cara y cruz ang lahat ng gastusin sa pagpapalibing dahil malaki ang saka at tong nito, kumpara sa P7,000 na ibibigay sa mga namatayan.
Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente