Wala pang team sports na makakasama at aprubadong lumahok sa 2015 Singapore Southeast Asian Games.

Ito ang sinabi ni Philippine Olympic Committee (POC) president Jose Cojuangco patungkol sa football, basketball at sa nagkakagulo na volleyball matapos isumite ng SEA Games management committee ang listahan ng mga kandidato kada national sports association (NSA) para sa nalalapit nitong paglahok sa kada dalawang taong torneo.

Napag-alaman kay Philippine Sports Commission (PSC) Chairman at miyembro ng SEA Games ManCom na si Richie Garcia na kanilang hinihintay ang opisyal na komposisyon ng football team mula sa Philippine Football Federation (PFF) at ang listahan ng Sinag Pilipinas mula sa Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP).

Hindi naman kinilala ni Cojuangco ang isinumiteng komposisyon ng men at women’s teams mula Philippine Volleyball Federation habang nagbabala ito na walang karapatan ang grupo na irepresenta ang bansa sa internasyonal na mga torneo kabilang ang Asian U23 Women’s Championship sa Mayo at ang 28th Southeast Asian Games sa Hunyo.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Ito ay matapos ipaalam ng isang opisyales ng POC na nagtungo ang dalawang koponan sa opisina ni Cojuangco upang ipakilala ang miyembro ng kinikilala nitong Amihan at Bagwis upang makatanggap lamang ng masasakit na paliwanag at pahayag sa kanilang situwasyon.

“Mr. Cojuangco explained to them that PVF has no legal authority to enter into an agreement with a sponsor and form a national team since it has already been dropped from the POC’s roster of national sports associations after being found out to have two certificates of incorporation with the Securities and Exchange Commission,” sabi nito.

“How if Ginebra says that it also has a team, are we also going to send it to the SEA Games?” paliwanag umano ni Cojuangco. “So right now, there is no national team. Amihan and Bagwis are not our national team because the federation that assembled them -- the PVF -- is not a member of the POC. They can still function, but they should classify themselves as a club team -- not a national team.”

Matatandaan na inihayag mismo ni Cojuangco sa isinagawang POC General Assembly ang pagkakaroon ng bago nitong miyembro na Larong Volleyball ng Pilipinas (LVP) matapos na bigyan ng probationary recognition ng internasyonal nitong asosasyon na FIVB.

Hahawakan naman ni Roger Gorayeb at Sammy Acaylar sa pamumuno ni POC first vice-president Joey Romasanta, na inaasahang siyang magiging pangulo ng bagong pederasyon ng volleyball ang pagbubuo ng koponan.