Pokwang-copy

MAY mga naiinggit ngayon kay Pokwang. Iniintriga siya ng mga ito na ilusyon lang niya ang relasyon nila ni Lee O’Brian.

Sa programang Kris TV hosted by Kris Aquino nila inamin ang lahat.

Pero kung may mga taga-showbiz na pinasasakay lang ang fans para pag-usapan ang isang pelikula o TV show na ipino-promote, hindi ganoon si Pokwang. Totoo ang relasyon niya sa leading man niya sa Edsa Woolworth at hindi pang promo lang.

National

ITCZ, magdadala ng mga pag-ulan sa malaking bahagi ng bansa

Naipalabas na ang pelikula na pero tuloy pa rin ang relasyon nina Pokwang at Lee kaya napahiya ang mga nang-iintriga.

Kayhaba-haba ng buhok ng komedyana dahil sa phone patch ni Lee na ipinalabas sa The Buzz ay kinumpirma ng aktor na “sila na” nga ng isa sa closest friends ni Kris, huh!

Kumbaga, natameme ang iba riyan lalung-lalo na ang isang sikat pa rin namang komedyana na isa sa mga nag-akusa kay Pokwang na nag-iilusyon lang. Pero sa totoo lang naman daw, ayon naman sa isang malapit sa kanilang dalawa, ang nangbibintang ang totoong ilusyunada.

“Sa totoo lang, ayoko silang patulan. Basta ako, eh, masaya ngayon sa lovelife ko. Kung saan man makarating ito, eh, bahala na ang Itaas,” sey ni Pokwang.

Ang problema lang daw niya ngayon ay ang anak niyang si Mae, although knows naman na ng dalaga ang tungkol sa relasyon nila ni Lee ay hindi niya seryosohang nakakausap ang anak tungkol dito.

Babalik ng Pilipinas sa Abril si Lee at malamang na sa panahong iyon mas malalim na ang relasyon nila na ating matutunghayan.