PIDDIG, Ilocos Norte – Isang barangay kagawad at apat na iba pa ang naka-confine ngayon sa isang ospital matapos silang mabiktima umano ng food poisoning sa Barangay Loing sa Piddig, Ilocos Norte.

Kinilala ng pulisya ang mga biktimang si Leonard Silvano, kagawad ng Bgy. Loing; asawa niyang si Mary Jane Silvano; at sina Gabriel Adriano, Irenio Vicente at Marlon Yasay, pawang taga-Bgy. Loing, Piddig.

Napaulat na isinugod sa ospital ang mga biktima nang makaranas ng pagkahilo, pagsusuka at panlalamig ilang minuto makaraang kumain sila ng suso o “birabid” sa isang pananghalian sa kanilang barangay.

Gayunman, nagsasagawa pa ng mga pagsusuri ang mga doktor para matukoy ang tunay na dahilan ng pagkalason ng mga biktima.
National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20