Ibinasura ng Office of the Ombudsman ang graft case laban kina Sorsogon Gov. Raul Lee at sa iba pang miyembro ng Sangguniang Panlalawigan, gayundin sa dalawang opisyal ng Land Bank of the Philippines (LBP) kaugnay ng umano’y P350-milyong inutang ng pamahalaang panglalawigan sa naturang bangko.

Bukod kay Lee, kasama rin sa inabsuwelto sa kaso sina Vice Gov. Antonio Escudero Jr., Board Members Rebecca Aquino, Eric Ravanilla, Angel Escandor, Bernard Hao at Neson Marana, presidente ng Liga ng mga Barangay; dating board members na sina Dave Duran, na kasalukuyan ng konsehal; Prieto Diaz Mayor Atty. Arnulfo Perete; Patrick Rodigueza, apo ng gobernador na dati ring presidente ng Sangguniang Kabataan; at sina Banadict Manzanades at Renato Eje, kapwa opisyal ng LBP.

Ang kaso ay nag-ugat sa reklamo ni dating Board Member Vladimir Frivaldo na nagsabing maanomalya umano ang daan-daang milyong pisong loan ng pamahalaang panglalawigan.

Binanggit sa reklamo ang umano’y sabwatan ni Lee sa iba pang mga akusado sa pagpapasa ng resolusyon at ordinansa na nagbibigay ng otorisasyon sa gobernador na makapag-loan sa kabila ng kakulangan umano ng requirements, katulad ng pagsasagawa ng public hearing at may paglabag pa umano sa evaluation ng Finance Committee.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Gayunman, sinabi ng korte na walang sapat na ebidensiya ang reklamo kaya ibinasura ang kaso.