NEW YORK (AP) – Determinado si Commissioner Adam Silver na gumawa ng iskedyul na magpapanatili sa NBA players na sariwa, at payag siyang makipagdiskusyon para sa mas maagang pag-uumpisa ng season o mas matagal na pagtatapos nito.
Maaaring maipatupad ang pagbabago sa susunod na season, na may mas kakaunting stretches ng laro sa magkasunod na gabi, o apat sa limang gabi. Sinabi niya noong Sabado sa kanyang All-Star press conference na inaalala niya ang wear and tear ng mga manlalaro.
Naniniwala si Silver na makagagawa ang liga ng “dramatic” na mga pagbabago sa mga nabanggit na aspeto.
‘’We hear everyone loud and clearly,’’ saad ni Silver. ‘’Certainly our players and our teams, that there’s nothing more important than the health and welfare of our players. And ultimately we want to see players getting appropriate rest and playing at the highest level.’’
Sa kanya lamang ikalawang taon bilang pinuno, sinabi ni Silver na prayoridad niya ang mas pagpapaganda sa laro, ito ay kasunod ng kanyang naunang mga tagumpay sa labas ng court.
Ngunit hindi maaring hindi bigyan ng pansin ang aspeto ng pagnenegosyo, at sinabi ni Silver na ang liga at mga manlalaro ay nasa maagang pag-uusap tungkol sa kung paano mahahawakan ang pagbuhos ng kikitain ng bagong TV deals na mag-uumpisa sa 2016.
Tinanggihan ng union ang unang proposal ng liga tungkol sa pagtatakda ng bagong salary cap number noong nakaraang season kaya’t ‘di ito masyadong tumaas ng sumunod na taon.
Nagpatupad ng kaunting pagbabago sa iskedyul si Silver sa pamamagitan ng pagpapahaba ng All-Star break.
Nais niyang trabahuhin ang susunod na hakbang.
‘’One of the things we’re hoping to address, even for next season, is to come as close as possible as we can to eliminating the four games out of five nights,’’ ani Silver. ‘’It’s a math formula at the end of the day in terms of the number of days we play, but we think we can make a dramatic reduction there.’’
Tradisyunal na nagbubukas ang training camp sa Oktubre 1 at ang regular season ay nag-uumpisa bago ang Halloween. Sinabi ni Silver na nais ng mga coach na magkaroon ng sapat na panahon para sa camp ngunit nakikita na hindi kailangan ang maraming preseason games, na magbibigay-daan para mas mapaaga ang regular season.
Sa mas matagal na pagtatapos ng season, ang draft ay karaniwang ginaganap sa huling linggo ng Hunyo at ang free agency ay nag-uumpisa sa Hulyo 1, ay hindi magiging madali, ngunit hindi naman ito binabalewala ni Silver.
‘’Generally the view has been, in addition it just feels out of sync once you get into the summer, historically those nights haven’t been viewed as the best television nights, once you get into July, and just in terms of households watching TV,’’ pahayag pa nito.
‘’I will say maybe that’s something we should look at, too. If we’re truly going to take a fresh look at this, we have to examine what the appropriate time is to begin the season and when we should end it.’’
Ang pagnanais na ibahin ang iskedyul ay maaaring maging balakid sa pagsusuri ng playoff format, isa pang pinagkakainteresan ni Silver. Kasalukuyang ang top eight teams ng bawat conference ang umaabante sa playoffs, nangangahulugan na ilang koponan sa Western Conference ang hindi makasasama sa kabila ng pagkakaroon ng mas magandang rekord kumpara sa mga koponan sa East. Nais ni Silver na makahanap ng paraan na mapasama ang mga nasabing koponan at nakatatanggap na ng mga mungkahi.
Iniisip niyang ang mga may-ari sa East ay kukunsiderahin ito para sa pagpapaganda ng produkto, ngunit may iba pang mga alalahanin.
‘’I think it’s a difficult issue, because there are no perfect solutions,’’ saad ni Silver. ‘’And on one hand to the extent you increase the amount of travel, it goes directly against my first issue on reducing wear and tear on our players, and ensuring that on any given night our players are playing at the optimum level.’’
At nais niyang ang NBA, kasama ang USA basketball, ay mas maiangat ang youth basketball.
‘’My focus is on the game,’’ anang Silver. ‘’It’s a fantastic game, it’s a great game. But that’s an aspect I believe we can improve.’’