Papasok na ang tag-init sa bansa kasunod ng paghupa ng malamig na temperatura sa bansa na dulot ng hanging amihan o northeast monsoon.

Ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), dapat na asahan ng publiko ang maalinsangang panahon ngayong linggo.

Paliwanag ng PAGASA, iiral na ang easterlies na magdadala ng mainit na hangin na inaasahang mamamayani sa summer season.

Kaugnay nito, papalapit naman ang isang low pressure area (LPA) sa silangang bahagi ng bansa at inaasahang papasok ito sa Philippine area of responsibility (PAR) ngayong linggo.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Papangalanan itong bagyong ‘Betty’ kapag tuluyan nang pumasok sa PAR.