Umaasa ang Department of Labor and Employment (DoLE) na sa susunod na mga buwan ay madodoble ang halos 200,000 overseas Filipino worker (OFW) na nasa Qatar.

Ito ay matapos ialok ng gobyerno ng Qatar ang 150,000 trabaho para sa mga Pilipino bilang paghahanda sa pagho-host ng nabanggit na bansa ng Fédération Internationale de Football Association (FIFA) World Cup sa 2022.

Kabilang sa mga kinakailangan ng Qatar ang mga engineer, architect, master electrician, dentist, hotel at resort worker, mekaniko at safety officer.

Kaugnay nito, tiniyak ni Nicon Famenorag, tagapagsalita ng DoLE, na walang sisingiling recruitment fee sa mga aplikanteng Pinoy.
National

Agusan del Sur, nilindol ng magnitude 5.3