Muling nanawagan si Senator Sonny Angara sa agarang pagpasa ng isang panukalang batas na naglalayon naming itaas ang hazard pay ng mga miyembro ng Philippine National Police (PNP) na nadedestiyo sa mapanganib na lugar.
Ang panawagan ni Angara, ay ginawa matapos banggitin ni dating Special Action Force (SAF) Director Getulio Napenas, na P240 bawat buwan ang hazard pay ng mga tauhan ng PNP-SAF habang P340 naman ang kanilang combat pay.
Nais ni Angara na gawin itong P8,467 ang hazard at combat pay o kalahati ng sahod ng isang pulis na may ranggong Police Officer 2 (PO2).
“I believe that the measly amount of P580 a month is not enough to compensate for the bravery, hardship and sacrifice of our elite cops who willingly risk their lives for the security of the Filipino people. The government must show greater appreciation and recognition for their unwavering service by increasing their benefits and allowances,” ani Angara.
Nakasaad din sa kanyang panukala ang magkaroon ng 50 porsiyentong pagtaas ng sahod ng mga pulis na nakatalaga sa liblib na lugar.
“PNP personnel will also be entitled to reasonable leaves and retirement programs, and a holistic PNP development program which includes provisions on merit promotions, performance evaluation, in-service training, overseas and local scholarships, training grants, incentive award system, among others” nakasaad pa sa panukala ni Angara.