VATICAN CITY (AP) — Hinimok ni Pope Francis ang kanyang mga cardinal noong Huwebes na makisama sa reporma sa luma at palpak na sistema ng Vatican at sinabing ang pagbabago ay makatutulong sa kanyang pamumuno sa Simbahang Katoliko.

Nakiusap ang Papa sa lahat ng cardinal sa mundo na pakinggan ang kanyang suhestiyon na baguhin ang central government ng simbahan na may 1.2-bilyong miyembro. Kabilang sa panukala ang pagsasama-sama ng maliliit na tanggapan para gawing dalawang malalaking congregation.

Aniya, layunin nitong himukin ang pagkakaisa at pagtutulungan para sa “absolute transparency,” upang tulungan ang Simbahang Katoliko na ipursige ang pananampalataya at pagtulong sa ibang tao.
National

DOH, nakapagtala ng 17 firework-related injuries sa loob lamang ng 24 oras