Papadyak naman ang 2015 Ronda Pilipinas, na iprinisinta ng LBC, patungong Norte para sa dalawang araw na Luzon qualifying leg kung saan ay nadagdagan ng silya upang pag-agawan ang matira-matibay na championship round na gaganapin sa Pebrero 22 hanggang 27.

Kabuuang 40 siklista na mula sa 62 nagpartisipa ang nakapasa matapos ang tatlong araw na pinagsamang Mindanao at Visayas qualifying leg sa pangunguna ng tinanghal na kampeon na si Boots Ryan Cayubit at runner-up na sina Marcelo Felipe at Rey Nelson Martin.

“We will fully evaluate the time of the riders as we want the best riders to make it to the finals,” sinabi ni Ronda Race Director Ric Rodriguez, na ipinaliwanag na depende sa porsiyento ng isinumiteng oras ang pagbabasehan para sa mga makukuwalipika sa anim na araw na kampeonato.

Tumapos naman sa Top 10 ang mga dating kampeon na sina Irish Valenzuela (4ht), Baler Ravina (5th), Cris Joven (6th), Leonel Dimaano (7th), Junrey Navarra (8th), ang nagtatanggol na kampeon na si Reimon Lapaza (9th) at Alvin Benosa (10th) sa karerang may basbas ng PhilCycling at suportado ng MVP Sports Foundation, Petron at Mitsubishi.

National

DOH, nakapagtala ng 17 firework-related injuries sa loob lamang ng 24 oras

Bunga nito ay madadagdagan ang nakatayang silya para sa Luzon leg na unang itinakda lamang sa 34 puwesto. Kabuuang 84 siklista ang hinahanap sa qualifying races para isama sa seeded riders na tulad ng nagdedepensang kampeon na si Lapaza, mga kasapi ng national team sa pamumuno ni Mark Lexer Galedo at isang European composite team.

Matatandaan na nagwagi bilang overall champ sa Visayas leg at Sprint si Cayubit habang napasakamay ni Marcelo Felipe ang King of the Mountain. Overall champion naman sa Under 23 si Kenneth Solis habang overall Junior titlist si Daniel Ven Carino.

Ang mga hindi nakapasa sa Visayas at Mindanao leg ay maari pang sumali sa gaganaping Luzon leg na gaganapin bukas kung saan ay magsisimula ang karera sa Tarlac Provincial Capitol at Pebrero 17 na tatahakin naman ang mga bulubundukin ng Antipolo.

Kabilang naman sa tumapos sa Vis-Min leg para sa 11th-20th place sina Denver Casuyuran, Jaybop Pagnanawon, Kenneth Solis, Reynaldo Navarro, Oscar Rindole, Cezar Lapaza Jr., Elmer Navarro, Arjay Peralta, Warren Vinan at Edwin Nacario.

Ika-21st hanggang 30th placer sina Leo Jade Lopez, Merculio Ramos Jr., John Renee Mier, Tots Oledan, Junvhie Pagnanawon, Nino Surban, Dominic Perez, Roy Carbonera, Mark Julius Bonzo at Marvin Tapic.