Naglabas si Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle ng isang circular na nag-e-exempt sa mga Filipino-Chinese at Katolikong Chinese sa kanyang episcopal jurisdiction sa obligasyon ng fasting at abstinence sa Pebrero 18, Ash Wednesday, na kasabay ng bisperas ng Chinese New Year.

Ayon sa CBCP News post, ang exemption ay magkakabisa simula sa tanghali ng Pebrero 18 hanggang sa hatinggabi ng pagmamarka ng Filipino-Chinese communities sa bansa ng bisperas ng Chinese Lunar New Year, ang panahon ng pagsasaya at pasasama-sama ng pamilya.

Sa Ash Wednesday at Good Friday, na ioobserba sa Abril 3 ngayong taon, ang mga Katolikong nasa edad 18 hanggang 59—maliban sa mga may sakit—ay pinahihintulutan lamang na kumain full meal isang beses sa isang araw. Maaari silang magkaroon ng smaller meals, na kapag pinagsama, ay hindi lalagpas sa isang full meal. Ang mga nasa 14-anyos pataas ay inoobligang umiwas sa pagkain ng karne sa Ash Wednesday at sa lahat ng Biyernes sa buong panahon ng Kuwaresma.

National

Ping Lacson, kinilala ambag nina PNoy, PBBM sa estado ng kaso ni Mary Jane Veloso