Jennylyn Mercado

GUSTO naming mapasaya ang manager ni Jennylyn Mercado na si Tita Becky Aguila, ang anak niyang si Katrina at Vinia Vivar na publicist nila at kaibigan naming kaya pinagbigyan namin ang imbitasyon nilang panoorin ang Valentine show nitong Oo Na, Ako Na Mag-Isa sa SM Skydome, North Edsa noong Biyernes ng gabi.

Bukod dito, hindi pa rin namin napapanood si Jennylyn na mag-concert kaya go na rin kami, pero gusto namin siya bilang si Tere Madlangsakay sa English Only, Please at bilang nanay ni Jazz. 

Nang mag-hit English Only, Please ay saka lang naisip ng producers ng pelikula na sina Tita Becky, Edgar Mangahas ng MJM Productions at Atty. Joji Alonso na i-produce ng Valentine show si Jennylyn. Guests naman ang co-stars niya sa EOP na sina Derek Ramsay, Cai Cortez at Kian Cipriano at ganoon din ang ex-boyfriends ng aktres na sina Mark Herras at Dennis Trillo at ang nagbigay ng buhay sa show na si Gerald Napoles. May special participation naman sina Benjamin Alves at Nico Antonio bilang waiter. 

National

VP Sara sinabing si Romualdez ang gustong pumatay sa kaniya

Bumilib kami sa producers at production team dahil kahit wala pang isang buwan ang preparasyon ng Oo Na Ako Na Mag-Isa ay successful ang show.

Kare-release lang tickets sa SM Ticketnets ay sold out na kaagad ang Gold at VIP at bleachers lang ang natira. Kaya nu’ng nasa Skydome kami, ang Ticketnet ang pinuntahan namin, at totoo nga, may mga nakalagay na SOLD OUT. Bongga si Tere Madlangsakay,marami talaga siyang fans.

Nasa 1,118 ang seating capacity ng Skydome, pero dahil marami pang gustong manood ay nag SRO, umabot sa 1,300 ang nanood at bayad lahat ‘yun dahil lahat ng compli tickets ay binili rin ni Tita Becky dahil mahigpit daw ang co-producers niya ha-ha-ha-ha.

Hindi namin inabutan si Kian Cipriano na naka-duet si Jennylyn ng I Think I’m In Love, nagmamadali raw umalis dahil may gig pa sa ibang venue. Dumating kaming kumakanta si Jen ng Foolish Heart na bagay na bagay sa kanya (parati siyang sawi sa pag-ibig), sumunod ang Break Free, All of Me, at Bakit Nga Ba Mahal Kita.

Ang ganda at ang ni Jennylyn, hindi kaya naisip nina Mark at Dennis na balikan siya?

Anyway, bad boy talaga si Mark sa dance floor at habang sumasayaw siya ay si Aga Muhlach ang naalala naming. Pareho sila ng estilo pati sa angas. Biglang nabu-hay ang fans nina Mark at Jennylyn during the Starstruck days at walang hum-pay na piktyu-ran at kuhanan ng video habang sumasayaw ang aktor. Teka, bakit walang production number ang dalawa?

Naaliw kami sa karaoke medley ni Jennylyn, bagay na bagay sa kanya ang mga awiting Pusong Bato, Halik, Gayuma, Ulan, Buko, Sabihin Mo Kung Ano’ng Gusto Mo.

Nang lumabas siya para magbihis, pumasok naman ng stage actor na si Gerald Napoles na hinangaan namin sa Rak of Aegis bilang bangkero. Sa totoo lang, tawa nang tawa sa kanya ang lahat ng tao sa Skydome.

May punchline si Gerald na ikinaloka ng lahat, “Funny is the new pogi nowadays”. Oo nga naman, aanhin mo ang guwapo o pogi kung wala namang sense of humor, e, di sa pangit ka nang punumpuno ng lakas ng loob at patatawanin ka minu-minuto.

Nagulat ang lahat nang kumanta si Gerald ng Sinaktan Mo Ang Puso Ko dahil akala ng lahat ay komedyante lang ang aktor.

Maya-maya ay bumalik na si Jennylyn at kumanta ng Tell Me na composition ni Louie Ocampo, ang musical director nang gabing iyon para sa kanyang girlfriend noon na si Joey Albert.  In fairness, maganda ang pagkakakanta ni Jen. 

May special VTR payo si Papa Jack tungkol sa pag-ibig pero parang wala lang, puwede namang hindi na ito kasama.

Ang talagang pumatok at nakakabaliw ay ang sexy dancing ni Jennylyn kasama ang G Force sa tugtuging Crazy In Love.

Kinanta rin ni Jennylyn ang nag-iisa niyang hit song na Kahit Sandali at ang paborito ng lahat ngayon na Ikaw ni Yeng Constantino para sa asawang si Victor Asuncion na ikinasal kahapon.

Hiyawan to the max nang kumanta sina Jennylyn at Dennis ng After All ni Peter Cetera dahil may kilig daw at sana sila na lang daw ulit. Okay din ang pagkakanta ni Gloc 9 ng Magda. Okay din ang version ni Jennylyn ng Thousand Years ni Christina Perri.

Hiyawan na naman nang marinig ang boses ni Julian Parker sa pelikulang English Please, Only na si Derek lalo na nang kantahan niya si Jennylyn ng The Way You Look Tonight at sabay bigay ng teddy bear na pinangalanan ng Julian, Tere at Jules na magiging anak nila sa sequel ng movie.

May production number din ang loyal supporters ni Jennylyn na maski saan daw siya pumunta ay nakasunod. Kinanta nila ang Awit ng Barkada ng APO Hiking Society.

So sa totoo lang, hindi sina Tita Becky, Katrina at Katotong Vinia ang napasaya namin, kami ang napasaya nila dahil naaliw at masaya kami para kay Jennylyn na sa maikling panahon ng preparasyon ay naitawid nang maayos ang Oo Na, Ako Na Mag-Isa concert. Kahit maraming kasabay na show din, super hit din ito.