Iginiit ni Senior Associate Justice Antonio Carpio na dapat managot sina Pangulong Benigno S. Aquino III at Budget Secretary Florencio Abad sa paggamit ng pondo mula sa kontrobersiyal na Disbursement Acceleration Program (DAP).

Sa kanyang separate opinion sa kaso ng DAP, direktang tinukoy ni Carpio na dapat managot sina Aquino at Abad dahil sila ang may-akda ng mga hakbang sa ilalim ng DAP na kinalaunan ay idineklarang unconstitutional ng Korte Suprema.

Ayon kay Carpio, si Pangulong Aquino rin ang nag-apruba ng National Budget Circular 541 at si Abad naman ang nagpatupad nito.

Ang NBC 541 ang nag-aatas sa paggamit ng unobligated allotment o bahagi ng pondo ng ilang ahensiya ng gobyerno noong 2012 para pondohan ang priority at fast moving program ng gobyerno.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Sa desisyon ng Korte Suprema, idineklara nito na ang unobligated allotment ay hindi maituturing na “savings” kaya ang paggamit sa pondong ito ay unconstitutional.

Ayon kay Carpio, bilang may-akda ng NBC 541 at bilang mga may direktang kinalaman sa DAP, hindi maaaring ipatupad kina Pangulong Aquino at Abad ang operative fact doctrine.

Ang mga proponent at implementor naman ng mga proyekto sa ilalim ng DAP ay may presumption of good faith dahil wala naman silang alam kung saan kinuha ng Pangulo ang pondong ginamit sa programa.