Malapit na ang pagtatapos ng termino ni Pangulong Noynoy Aquino. Ano kayang legacy ang kanyang maiiwan sa bansang pinagbuwisan ng buhay ng kanyang mga magulang - sina Sen. Ninoy Aquino at Tita Cory? Sa ngayon, malaki ang galit ng sambayanang Pilipino kay PNoy dahil sa sumablay na operasyon ng Philippine National Police Special Action Force (SAF) sa Mamasapano, Maguindanao na naging sanhi ng pagkamatay ng 44 tauhan nito, kabilang ang pitong opisyal ng elite PNP SAF.

Hindi nasisiyahan ang mga pamilya ng 44 police commando sa pahayag ni PNoy tungkol sa pagkamatay ng kanilang mga mahal sa buhay sa kamay ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) at Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF). Napatay nga ng mga commando si Malaysian bomb-expert Zukfifli bin Hir, alyas Marwan, pero matindi ang naging kapalit nito, ang buhay ng mga miyembro ng PNP SAF, na pawang kabataan. Ito ba ang maiiwang legacy ng Pangulo? Walang duda ang personal integrity ni PNoy, hindi siya corrupt tulad ng ibang mga pinuno ng bayan, hindi suwapang sa pera.

Maging ang ilang pinuno o tauhan ng PNP-SAF ay dismayado sa pahayag ni PNoy sa dalawang press conference na ginawa sa loob ng Malacañang. Isang PNP officer nga ang nagsabi na malamya ang statement ng Pangulo laban sa MILF, walang matinding pagkondena at parang ang ibig pang sisihin ay ang SAF. Ngayon ay umiiral ang pambansang galit dahil sa sinapit ng SAF 44 na brutal na pinaslang, hinubaran, pinutol ang ilang bahagi ng katawan,ninakaw ang mga baril, night vision goggles, at personal na gamit gaya ng mga cellphone.

Kahit papaano, nagpakita ng simpatiya at tulong sina ex-Pres. Joseph Estrada at Vice Pres. Jejomar Binay sa mga namatay at sugatang tauhan ng SAF. Si Estrada at nagkaloob ng tig-P100,000 sa bawat pamilya ng mga namatay. Si VP Binay naman ay dumalaw sa mga sugatang SAF men sa Camp Crame at nagbigay ng tig-P100,000 tulong.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Kayong mga kongresista at senador, ano naman ang inyong tulong? O naghihintay pa kayo ng panibagong PDAF at DAP?