Mason Plumlee,John Wall

NEW YORK (AP)– Papalitan ni Houston Rockets guard Patrick Beverley si John Wall ng Washington Wizards sa All-Star Skills Challenge.

Ang Skills Challenge ay idaraos sa Sabado ng gabi sa Barclays Center bilang bahagi ng NBA All-Star weekend sa New York. Dalawang manlalaro ang maglalaban ng sabay sa magkaparehong obstacle course na susubok sa kanilang driblling, passing, agility at shooting skills.

Ipinahayag ng liga kahapon na si Beverley ay ipapares kay Isaiah Thomas ng Phoenix Suns sa eight-player challenge. Si Beverley ay may averages na 10.7 puntos, 4.4 rebounds at 3.2 assists sa kanyang ikatlong NBA season sa Rockets.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Ang defending Skills Challenge champion ay si Trey Burke ng Utah Jazz.

Ang All-Star Game ay gaganapin sa Linggo sa Madison Square Garden.