MANAOAG, Pangasinan - Naghahanda na ang Philippine National Police (PNP) sa pagdagsa ng mga deboto ng Shrine of Our Lady of Manaog para sa pormal na proklamasyon sa simbahan bilang “Basilica Minore” sa Martes, Pebrero 17.

Inaasahan ni Manaoag Police chief Supt. Edison Revita na nasa daang-libong deboto at mga lokal at dayuhang turista ang dadagsa sa malaking pagtitipong ito ng mga Katoliko.

Sa Pebrero 14, 15, at 16, aniya, ay magkakaroon ng prusisyon bago ang main event sa Martes, na pormal nang ipoproklama ang Shrine of Our Lady of Manaoag bilang Basilica Minore.

Kaugnay nito, simula noong Martes ay ipinagbabawal na ng pulisya ang pagdaan ng mga truck sa Manaoag at pinakilos na ang buong puwersa ng Manaoag Police para tiyakin ang seguridad sa okasyon.
National

Agusan del Sur, nilindol ng magnitude 5.3