DAVAO CITY – Mariing nagbabala si Davao City Police chief Senior Supt. Vicente Danao sa mga pulis na gumagamit ng ilegal na droga at sangkot sa mga ilegal na aktibidad na bilang na ang kanilang mga araw.

Tumugon sa text message na natanggap niya na may mga pulis sa lungsod na gumagamit ng ilegal na droga, ipinag-utos ni Danao ang pagpapasara sa main gate ng kampo ng pulisya nitong Lunes kaya bawal nang umalis sa kampo ang sinuman pagkatapos ng flag ceremony para sumailalim sa drug test ang lahat.

Nasa 473 pulis, kabilang si Danao, ang sumailalim sa drug test nitong Lunes.

“Bilang na ang mga araw n’yo!” babala ni Danao, at nangakong lilinisin niya sa ilegal na droga ang siyudad.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20