TAIPEI, Taiwan (AP) — Anim na preso sa pamumuno ng isang mob boss ang nagpakamatay sa isang kulungan sa Taiwan noong Huwebes matapos mabigo sa tangkang pagtakas sa pang-aagaw ng baril at pag-hostage sa warden at mga guwardiya, sinabi ng mga opisyal. Ligtas na napakawalan ang mga bihag.

Sinimulan ng mga preso ang kanilang tangka noong Miyerkules ng hapon sa southern port city ng Kaohsiung. Sa panayam sa telepono ng isang pahayagan habang nagaganap ang overnight standoff, sinabi ng 46-anyos na lider ng grupo na matagal na nilang balak na tumakas at handa silang mamatay. Nagreklamo rin siya sa mahahabang sentensiya at hindi makatarungang paggawad ng mga medical parole.

Sinabi ni Deputy Justice Minister Chen Ming-tang na tinanggihan ng mga opisyal ang demand ng grupo na ligtas silang makalabas at sinubukang kumbinsihin na sumuko nang mapayapa. Ngunit tumanggi ang mga preso at sabay-sabay na nagbaril sa sarili bago magbukang-liwayway.

Politics

Dalawang Tulfo brothers, nanguna sa survey ng senatorial race