Muling magkakaroon ng pagkakataon si one-time world title challenger Milan “El Metodico” Melindo na maging kampeong pandaigdig sa paghamon kay Mexican IBF light flyweight champion Javier “Cobra” Mendoza sa Abril 25 sa Mexico.

“We’re almost 90% done any most likely in the next few days we would be able to finalize everything,” sabi ni Aldeguer sa BoxingScene.com. “Milan will leave for the United States on March 29 to train for this fight.”

Natamo ni Mendoza ang IBF belt na dating hawak ng Pilipinong si Johnreil Casimero nang mabakante ito at tinalo niya sa puntos ang kababayang si Ramon Garcia Hirales noong nakaraang Setyembre sa Tijuana, Mexico.

Nawala kay Casimero ang IBF title nang magdepensa siya nang sobra sa timbang laban kay Colombian Mauricio Fuentes na dinispatsa niya sa 1st round knockout kaya nabakante ang korona.

National

Bulkang Kanlaon, alert level 3 pa rin!

Umakyat ng timbang si Casimero na hahamunin naman ang magwawagi kina IBF flyweight champion Amnat Ruenrong ng Thailand at Zou Shiming ng China sa Marso 7 sa Cotai Arena sa Macau.

Naging mandatory challenger si Casimero nang patulugin sa 2nd round si Mexican Armando Santos sa Nuevo Leon, Mexico noong nakaraang Disyembre 13.

Umaasa naman si Melindo na patutulugin si Mendoza matapos siyang matalo sa puntos sa unang world title bout laban kay WBA at WBO flyweight champion Juan Francisco Estrada noong Hulyo 27, 2013 sa Macau.