Arestado ang isang Liberian makaraang makumpiska umano sa kanyang pangangalaga ang 98 gramo ng shabu sa buy-bust operation ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at Philippine National Police (PNP) sa Pampanga kamakalawa.

Sa ulat ni PDEA Director General Arturo G. Cacdac Jr., kinilala ang suspek na si Izo Noble, 35 , tubong Camp Johnson Road, Monrovia, Liberia at kasalukuyang naninirahan sa Don Rosario Street, Angeles City, Pampanga.

Sa imbestigasyon ng PDEA, ganap na 6:30 noong Lunes ng hapon, nakipagtransaksiyon ang suspek sa isang undercover PDEA agent sa pagbebenta ng 98 gramo ng shabu sa McArthur Highway, Barangay Dau, Mabalacat City.

Hindi na nakapalag si Noble nang dakmain ng mga tauhan ng PDEA Regional Office 3 at PNP Anti-Illegal Drugs Special Operations Task Force matapos iabot ang shabu at pagtanggap ng pera mula sa PDEA agent.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Nakapiit ngayon ang suspek sa detention cell ng PDEA RO3 habang nahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.