Makamit ang kanilang ikaapat na titulo sa women’s division ang target ng San Sebastian College (SSC) sa pagsisimula ng kanilang title retention bid sa pagbubukas ngayon ng NCAA Season 90 beach volleyball tournament sa Waterfront Boardwalk sa Subic Bay sa Olongapo City.

Nagbalik para pamunuan ang Lady Stags ang nakaraang taong MVP na si Gretchel Soltones na siya ring reigning MVP sa indoor volleyball kasama ang bagong katambal na si Denice Lim para ipagtanggol ang titulong napanalunan nila noong nakaraang taon sa Puerto Galera kasama ang dating katambal na si Czarina Berbano.

Unang makakasagupa ng Lady Stags, matapos ang opening rites na gaganapin sa alas-10:00 ng umaga, ang Mapua sa pormal na pagsisimula ng aksiyon sa ganap na 1:00 ng hapon.

Matapos ng laban, makakatunggali nila ang Jose Rizal University (JRU) sa ikalawang round para sa tatlong araw na torneo na sinuportahan ng Summit Mineral Water, Smart, Gerry’s Grill, HAWK Bags, Pau Liniment, Victory Liner, Mikasa, LGR Athletic Wears, ACME Inc., Subic Bay Freeport Chamber of Commerce, Lighthouse Resort, Bayfront Hotel, Terrace Hotel, Subic Park Hotel at Villas Moonbay Marina.

National

PBBM admin, nagsisilbing ‘totoong kalamidad’ sa ‘Pinas – Maza

Para naman sa kalalakihan, target naman ng College of St. Benilde (CSB) na mapanatili ang kanilang titulo at makamit ang ikapitong pangkalahatang kampeonato upang tanghaling most winningest team ng liga magmula nang ilunsad ang event noong 2002.

Unang makakatunggali ng tambalan nina Johnvic de Guzman at Marjun Alingasa ang San Beda College (SBC) sa ganap na ala-1:00 ng hapon bago ang San Sebastian College (SSC) Stags sa ikalawa nilang laban.

Sisikapin naman ng Arellano University (AU) na mapanatili ang kanilang titulo para makisalo sa University of Perpetual at Emilio Aguinaldo College (EAC) na may tig-2 titulo.

Ang pagdaraos ng beach volleyball tournament sa labas ng Metro Manila ay isinasagawa ng NCAA para makatulong na mapalakas ang sports sa iba’t ibang mga lalawigan na mayroong mga magagandang baybayin.