PINABULAANAN ng abogado ni Bobby Brown na walang katotohanan ang kumakalat na isyu sa ‘di umano’y tatanggalin ang mga aparatong nakakabit sa katawan ni Bobbi Kristina Brown sa eksaktong araw sa pagkamatay ng kanyang ina na si Whitney Houston.

Ayon kay Atty. Christopher Brown, lubos na nagpapasalamat ang pamilya sa “love and support” na ibinibigay ng mga tagahanga. Ngunit, sinabi nitong kinokondena ng pamilya “false reports that continue to appear in print and on the Internet” at “will be dealt with at an appropriate time.”

Aniya, “In particular, the false reporting of TMZ, the National Enquirer, The Atlanta Journal-Constitution and the Daily Mail (UK) citing police sources, family sources and Bobby Brown himself, will receive my attention. The desire to be ‘first’ has clouded the judgment of many reporters as they forgo accuracy. This is a criminal investigation and the integrity of that process requires silence.”

Nagsulputan ang mga balita noong Martes na ang pamilya ni Kristina, 21, anak nina Bobby Brown at Whitney Houston, ay nagbigay-utos na tanggalin ang mga aparato sa katawan nito kasabay ng ikatlong anibersaryo ng pagkamatay ni Whitney.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Matatandaang natagpuang walang malay si Kristina sa bathtub sa kanilang tahanan sa suburban Roswell sa Georgia noong Enero 31. Isinailalim siya ng mga doktor sa induced coma nang araw ding iyon at hindi na naging maganda ang kondisyon ng dalaga.