Hinimok ng Department of Labor and Employment (DOLE) sa pamamagitan ng Philippine Overseas Labor Office (POLO) ang Filipino medical workers na naghahangad magtrabaho sa ibang bansa na isaalang-alang ang Oman sa maaaring pagpipilian.

Ayon sa POLO sa Oman, ang mga manggagawang medikal na kinukuha ng mga pribadong klinika at mga ospital ay maaaring makinabang sa tatlong buwan na contract visa para sa paglalaan ng pro-metric examination at interview.

Sinabi ni Labor Attaché Nasser Mustafa, ang mga aplikante ay kailangang rehistrado bilang medical workers, edad 45 pababa, may karanasan na hindi bababa sa dalawang taon.

Ilan sa mga benepisyong maaaring pakinabangan ay ang libreng accommodation, transportasyon at return ticket.

Politics

Dalawang Tulfo brothers, nanguna sa survey ng senatorial race

Ayon kay Dr. Sami Khasawneh, Group Medical Director ng Euro-Arabian Specialist Dental Center, nagpahayag ang Ministry of Health at Immigration and Labor Office ng Oman na ang lahat ng mga propesyonal na may kaugnayan sa kalusugan ay kailangang makapasa sa MOH examination bago mabigyan ng working resident permit.

Inirekomenda ni Mustafa sa mga aplikante na may employment contract para sa tatlong buwan upang sila’y magkaroon ng sustento o suweldo.

Kasabay nito, binalaan ni Labor Secretary Rosalinda Baldoz ang mga manggagawang medikal na huwag padaya sa illegal recruiters at makipag-ugnayan lamang sa mga lisensiyadong ahensiya ng Philippine Overseas Employment Agency (POEA).