ISANG not so young and not so old actress ang nagbalita sa amin tungkol sa isang halos kasing edad din niyang aktor na halos araw-araw ay tumatawag sa “beauty company” na iniendorso niya.

Kuwento ng aktres, nakikiusap ang aktor na kunin itong endorser ng isa sa mga produkto nila. Sobrang kulit na raw ng aktor na tila ni hindi nakakahalata na halos ayaw na siyang kausapin ng sekretarya ng gumagawa ng mga produktong pampaganda.

“Well, sort to be blamed din naman ako kasi ako ang nagbigay ng number ng boss namin,” sey ng aktres.

Ipinarating sa kanya ng sekretarya ang pangungulit ng aktor na kunin itong endorser at kahit kalahati lang daw sa talent fee na ibinayad ng kompanya sa endorser nilang aktres ay walang problema sa rito.

Marcoleta, pinigilang magtanong tungkol sa proposed ₱6.352-trillion 2025 nat'l budget

“Sa totoo lang naman, eh, naghahanap din naman sila ng magiging endorser ng isa sa mga bago nilang produktong ilulunsad pero hindi talaga nababagay si _______ (aktor),” sey pa ng kausap namin.

Dahil sikat na aktor ang hinahanap nila at hindi kagaya ng aktor na La Ocean Deep na.

Pero mas natawa kami sa dayalog ng source namin dahil ayon daw sa boss nila, kung gusto raw ng makulit na aktor ay kukunin nila itong endorser ng isa nilang produkto.

“Alam nyo ba kung anong produkto, lipstick,” napatawa pang banggit ng source namin.