Sinimulan na kahapon ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang pag-aayos at pagpapaganda sa bike lane sa Roxas Boulevard, sa bahagi ng Baywalk sa Maynila, para sa bike-sharing project ng ahensiya.

Inaasahang dadagsa naman ang magtutungo sa lugar para mamasyal nang nakabisikleta na mainam na paraan ng ehersisyo at mabuti pa sa kalusugan at maging sa kalikasan.

Pinaalalahanan ng MMDA ang mga gagamit sa bike lane na magsuot ng wasto at ligtas na gamit o proteksiyon, gayundin ay maging disiplinado habang nasa kalsada.

Batay sa unang ulat, binuksan ang nasabing lane mula Rajah Sulayman hanggang Burgos Avenue service road northbound.

Matapos maligwak ang request: Paolo Duterte, pumayag manatili si VP Sara sa kaniyang opisina

Samantala maglalagay naman ang MMDA ng bike shelters na magpapahintulot sa mga siklista na makahiram ng bisikleta nang libre, maghimpil ng bisikleta at sumakay dito patungo sa itinalagang bike lane.

Para makahiram ng bisikleta, magprisinta lang ng valid ID card at bibigyan na ng card na nasusulatan ng bike number.