Upang maagapan ang tuluyang pagsadsad ng kanilang kampanya sa ginaganap na PBA Commissioner’s Cup, nagdesisyon ang pamunuan ng Globalport na magpalit ng kanilang reinforcement.

CJ LeslieIpaparada ng Batang Pier ang bagong import nito na si Calvin Lee Warner sa laro nila sa Alaska Aces ngayong gabi bilang kapalit ni CJ Leslie.

Ang 34-anyos na si Warner, isang veteran international campaigner, ay sariwa pa mula sa huli nitong tour of duty sa Lebanon kung saan ay nagtala ito ng averages na 17.1 puntos, 7 rebounds, at 2.5 assists sa 31.1 minutong paglalaro para sa koponan ng Moutahed Tripoli.

May taas na 6-foot-7, si Warner ay inilarawan ng kanyang ahenteng si Sheryl Reyes bilang “a very athletic and versatile do-it-all forward – from passing, defending, rebounding, and scoring from in and out of the paint.” Matapos maglaro para sa Jacksonville Dolphins sa NCAA Division I noong 2001-2003, si Warner ay nagkaroon ng malawak na karanasan sa kanyang paglalaro para sa iba’t ibang koponan sa Middle East, kabilang ang Iran at Kuwait.

National

UP, top university pa rin sa Pinas; Iba pang paaralan sa bansa, pasok sa Asian ranking!

Ilang taon din siyang naglaro bilang import sa Korean Basketball League (KBL) at gumugol ng isang season sa Bahrain.

Bagamat si Leslie ay nagposte ng mga impresibong numero na 29 puntos, 13 rebounds at 3 assists kada laro sa kanyang tatlong pagsabak sa kumperensiya, hindi ito naging sapat para sa Globalport na kasalukuyang may kartadang 1-2 (panalo-talo).

Ang huling kabiguan ng koponan ay nagmula sa kamay ng Rain or Shine noong Pebrero 6, 98-104.

Magbabalik sa aksiyon ang Batang Pier ngayong gabi at masusubukan agad ang tikas at galing ni Warner laban sa Alaska Aces, na kasalukuyang nasa 1-1, sa ganap na alas-7:00 ng gabi sa Smart-Araneta Coliseum.