WASHINGTON (AP)– Naging matiwasay ang Washington Wizards sa unang dalawang buwan ng season.

Sa kanilang unang 30 laro, sila ay 22-8. Pagpasok ng laro kahapon, sila ay 9-12.

Kailangang maputol ang kanilang five-game losing streak, pinakamatagal mula sa pagtatapos ng 2012-13 season, lumamang ang Washington mula umpisa hanggang katapusan at tinapos ang kanilang streak para sa pinakamalaking panalo sa season.

Kumbinsido ang 114-77 pagwawagi ng Wizards. Lumamang sila ng 30 sa pagtatapos ng ikatlong yugto, at sa puntong ito, nanood na lamang ang kanilang starters.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

‘’I didn’t care how much our starters got rest. We needed a win,’’ ani Washington coach Randy Wittman. ‘’It’s not so much you’re in a rut and not playing the way that we’re capable of. That’s going to happen. It’s reacting and how you get out of it. Throughout a couple of games in this stretch, we were kind of hoping we’d go out and win a game. We need to win a game instead of going out and taking it and being aggressive.’’

Ang lahat ng 13 Wizards ay umiskor. Si John Wall ay nagtala ng 17 puntos, nagdagdag si Rasual Butler ng 15 at nakaiskor ang Washington ng 64 puntos mula sa loob.

Naglaro ang Wizards na wala ang starting guard na si Bradley Beal dahil sa injured right big toe, ngunit hindi nila ito ininda.

Hinimok ni Wittman ang kanyang koponan na maging agresibo, at nakinig sila, lalo na si Otto Porter na humalili kay Beal.

‘’Everybody was being aggressive in the right spot at the right time and playing for each other,’’ saad ni Porter.

Ang Nets, na nanalo ng tatlong sunod, ay pinangunahan ni Brook Lopez sa kanyang 19 puntos.

‘’I sensed in the locker room before the game that we didn’t have energy and carried over into the start of the game,’’ ayon kay Brooklyn coach Lionel Hollins.

Pinuwersa ng Washington ang Nets na tumawag ng timeout may 2 1/2 minuto pa lamang sa laro.

Nakalamang na ang Wizards ng 12 puntos sa unang limang minuto at 20 pagdating sa halftime.

Ipinaramdam ni Marcin Gortat, na hindi naging eksplosibo sa naging losing streak, ang kanyang presensiya sa umpisa pa lamang.

‘’I was that physical guy, but I was the decoy today. I had four early fouls. It was fun. I had the best tickets in the building,’’ sambit ni Gortat.

Resulta ng ibang laro:

Chicago 107, New Orleans 72

Golden State 106, New York 92

Philadelphia 89, Charlotte 81

Milwaukee 96, Boston 93

Utah 102, Sacramento 90