Nadismaya si Vice President Jejomar Binay nang paghintayin ng 12 araw ni dating Philippine National Police (PNP) Chief Director General Alan Purisima ang sambayanang Pilipino para lamang itanggi ang kanyang partisipasyon sa pagpapaplano at implementasyon ng operasyon sa Mamasapano, Maguindanao na ikinasawi ng 44 na miyembro ng Special Action Force (SAF) noong Enero 25.

Giit ni Binay, mas mainam na sa simula pa lang ay linawin ni Purisima ang pagkakasangkot nito sa Mamasapano carnage at kung may nagawa itong pagkukulang. Subalit isang katanungan sa bise-presidente ang ginawang pagbibitiw sa puwesto ni Purisima bilang hepe ng PNP.

Ayon kay Binay, ang pahayag ni Purisima noong Biyernes ay taliwas sa pahayag ng dating SAF commander at ibang sources na ang dating PNP chief ang nagplano at nagpatupad ng operasyon kahit suspendido ito nang mga panahong iyon.

May mga tanong din kaugnay ng status ni Purisima ngayong nagbitiw na siya na dapat linawin at bigyang-diin dahil umalis siya sa puwesto bilang hepe ng PNP at hindi bilang miyembro ng police force na hindi pinahihintulutan ng batas dahil sa mga nakabimbing kaso laban sa kanya.

National

Agusan del Sur, nilindol ng magnitude 5.3

Sinabi pa ng Vice President na isa sa mga parusang ipinatutupad laban sa mga empleyado ng gobyerno na nasangkot sa katiwalian ay ang pagsuko ng mga benepisyo.

“What Purisima said—and didn’t say—has only stoked the fears of our countrymen that the cover up of the truth may have begun. It further underscores the need to create an Independent Fact-Finding Commission,” sabi ni Binay.

Aniya, ilang imbestigasyon ang isasagawa sa mga darating na araw at walang independent fact-finding commission na binuo kaya dapat na manindigan ang mamamayan at mahigpit na subaybayan ang lahat ng pangyayari upang matiyak na transparent, patas at walang pagkiling sa imbestigasyon kahit na ang pangunahing personalidad ay malapit na kaibigan ni Pangulong Aquino.