Patrick Patterson, Manu Ginobili

TORONTO (AP)– Umiskor si James Johnson ng season-high na 20 puntos sa kanyang pagbabalik sa starting lineup, at 18 ang nagmula kay DeMar DeRozan sa pagkuha ng Toronto Raptors ng 87-82 panalo laban sa San Antonio kahapon kung saan ay ipinagdamot kay Spurs coach Gregg Popovich ang kanyang ika-1,000 career victory.

Nagdagdag si Amir Johnson ng 15 puntos, 12 mula kay Kyle Lowry at season-high na 16 rebounds naman ang nahatak ni Jonas Valanciunas sa pag-angat ng Toronto sa 8-2 sa kanilang bakuran laban sa mga kalaban na mula Western Conference. Pinutol ng Raptors ang kanilang seven-game losing streak kontra sa Spurs at nanalo sa unang pagkakataon sa kanilang huling limang home meetings.

‘’To hold a team like that to their season low is admirable,’’ sinabi ni Raptors coach Dwane Casey. ‘’It shows how we have to play at grind it out.’’

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Kapwa nagtala sina Tim Duncan at Marco Belinelli ng 12 puntos, 11 ang nagmula kay Kawhi Leonard at 10 ang ibinigay ni Tony Parker.

Ang 3-pointer ni Parker ang nagtabla sa bilang sa 75 sa huling 5:02, at isang pares ng free throws ni Duncan sa 3:40 ang nagbigay sa San Antonio ng unang pagtikim sa kalamangan sa fourth quarter.

Muli itong itinabla ni Lowry sa kanyang fadeaway jumper ngunit ang 3s ni Belinelli sa 2:20 ang nagbalik ng bentahe sa San Antonio.

Umiskor sa layup si James Johnson, sinagot ito ni Parker ng isang hook shot, ngunit tinapyas ito ni Amir Johnson sa kanyang dunk tungo sa 82-81 iskor sa huling 1:33.

Matapos ang turn over ng Spurs dahil sa shot-clock violation, isang 3s ang pinakawalan ni James Johnson, may 43 segundo ang nalalabi, upang iangat ang Toronto sa 84-82.

Kapwa nagmintis sina Manu Ginobili at Belinelli sa kanilang 3-point attempts at nakasungkit si James Johnsonng ng foul sa kabilang dulo, naipasok ang isang free throw sa huling 4 segundo.

Makaraan ang foul ng Toronto, isang turn over ni Duncan ang nagbalik sa possession ng Toronto. Nakakuha si DeRozan ng foul at sinelyuhan ang laban sa kanyang free throws.

Sinabi ni Ginobili na siya at si Leonard ay “got clogged at the top of the key’’ habang sinusubukang maging bukas para sa pasa ni Duncan.

‘’Just a bad read on my part,’’ ani Duncan sa kanyang naging turnover. ‘’It’s my responsibility to make sure that they’re open and the ball goes where it needs to go. I just read it wrong.’’

Resulta ng ibang laro:

Oklahoma City 131, LA Clippers 108

Cleveland 120, LA Lakers 105

Minnesota 112, Detroit 101

Chicago 98, Orlando 97

Memphis 94, Atlanta 88

Indiana 103, Charlotte 102

Portland 109, Houston 98

Sacramento 85, Phoenix 83